Job 18

1Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi, 2Kailan ka titigil sa iyong pagsasalita? Pag-isipan mo, at pagkatapos saka kami magsasalita.

3Bakit mo pinapalagay na gaya kami ng mga halimaw; bakit kami naging hangal sa iyong paningin? 4Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?

5Tunay nga, ang liwanag ng masamang tao ay papatayin; ang kislap ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag. 6Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda; ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.

7Ang mga hakbang ng kaniyang lakas ay magiging maikli; ang kaniyang sariling mga plano ang magpapabagsak sa kaniya. 8Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.

9Isang bitag ang huhuli sa kaniya sa sakong; isang patibong ang huhuli sa kaniya. 10Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan. 11Mga kakila-kilabot ang tatakot sa bawat tabi; siya ay kanilang hahabulin sa kaniyang mga sakong.

12Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman, at ang kalamidad ay magiging handa sa kaniyang tabi. 13Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.

14Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot. 15Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.

16Ang kaniyang mga ugat ay matutuyo sa ilalim; sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang mga sanga. 17Ang kaniyang alaala ay mawawala sa lupa; mawawalan siya ng pangalan sa lansangan.

18Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito. 19Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira. 20Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.

Tunay na ganoon ang mga tahanan ng mga hindi matutuwid na tao, ang mga lugar ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.”

21

Copyright information for TglULB